GANTI NG PAG-IBIG
Pagdating nina Lizelle at Eric sa bahay galing sa trabaho, agad na nag-akyatan sina Dave at Erika sa kanilang kwarto. Nuon pa man ay tutol na sila kay Eric, dahil sa pagiging mapang-asar nito at makasarili. Hindi nagkukulang si Lizelle sa pagsasabi kay Eric tungkol dito, subalit kanya lang itong binabaliwala.
Isang araw, nagkasagutan sina Dave at Eric dahil lamang sa damit ni Lizelle na isinuot ni Erika. Ayaw ni Eric na nakikitang ipinamimigay at ipinagagamit ni Lizelle ang mga gamit na mula sa kanya. Nagalit si Dave at ipinahubad nito kay Erika ang damit, at ipinabigay kay Eric. Pagkatapos ay umakyat ito ng padabog sa kanyang kwarto. Nagalit din nuon si Lizelle at sinabihan si Eric na huwag na muna siyang duon tumuloy.
Pagkalipas ng isang linggo ay muling nagbamalik si Eric, ngunit hindi na ito pinapansin nina Dave at Erika. Umaakyat na lamang ang mga ito sa tuwing dumarating sila ni Lizelle mula sa trabaho. Sa ganuong reaksiyon ng mga ito, unti-unti'y nagbabago na rin ang pagtingin ni Lizelle kay Eric. Lagi ng nagiging maiinitin ang ulo nito at dumideretso na lamang sa kanyang kwarto pagkagaling sa trabaho. Naiiwang mag-isa si Eric sa sala, at duon na rin nakakatulog sa sopa.
Paglipas pa ng ilang araw, ayaw ng magpasundo ni Lizelle kay Eric. Madalas na siyang sumasama sa gimmick ng mga ka-trabaho, at madaling araw na kung umuwi. Gayunpaman, hinahainan parin siya ni Eric ng almusal sa tuwing siya'y nagigising, ngunit hindi niya ito kinakain. Nuo'y nagdamdam si Eric at napilitang huwag na munang duon umuwi. Nanuluyan ito ng pansamantala sa kanyang mga magulang.
Isang araw, inabutan ni Eric si Lizelle kasama ang bisitang si Orly na bago nilang Manager sa trabaho. Nakadam ito ng selos kung kaya't hindi na ito tumuloy pa. Ng sumunod pang linggo ay hindi na ito dumadalaw. Nabalitaan nuon ni Lizelle na nagbakasyon siya sa kanilang probinsiya. Ngunit pagkalipas ng isang buwan ay muli itong nagbalik, at muli siyang sinuyo. Di nagtagal, kinausap na rin niya ito at duon na muling nanuluyan. Gayunpaman, wala paring amor ang dalawa niyang kapatid dito. Hanggang ng sumapit ang kanyang kaarawan at binisita sila ng kanilang mga magulang.
Nuo'y narinig ni Dave ang isinabi ni Eric sa kanya na kung kaya lang naruon ang kanilang mga magulang ay dahil may kailangan. Nasaktan si Dave sa narinig kung kaya't itinulak nito ang nakauwang na pinto at isinabing hindi iyon ang dahilan kung bakit naruon ang kanilang magulang. Natigilan si Eric at pagkuwa'y binago ang isinasabi kay Lizelle. Subalit hindi rin ito makapagsalita dahil masakit din sa kanya ang narinig iyon kay Eric, at nuo'y tinapos niya ang kanilang relasyon.
Ng sumunod pang mga araw ay nasupresa sina Dave at Erika dahil madalas ng ihatid ni Orly si Lizelle sa kanilang bahay. Nagustuhan naman nila ito kaagad dahil mahusay itong makisama at may pagka-kalog pa. Hanggang isang umaga, hindi inaasahang mapadalaw duon si Eric sa kanila upang kuhanin ang naiwang gamit. Nuo'y inabutan sila nito at sa sobrang paghinanakit ay nagawang makipag-away kay Orly.
Maraming kapitbahay ang nakasaksi sa awayan nilang iyon. Walang magawa si Lizelle kundi ang magsisigaw habang umaawat dito. Nagising sina Dave at Erika sa sigaw niyang iyon at nuon din nama'y pilit na inaawat ni Dave ang mga ito. Subalit siya ang napagbalingan ng galit ni Eric, at sila ay nagbuno. Pinigilan na Lizelle si Orly habang si Erika naman ang umaawat kina Eric at Dave. Sa hindi sinasadya ay naitulak ni Eric si Erika ng malakas, at nasaldak ito sa semento. Sa galit ni Dave ay sinuwag niya si Eric at bumalandra sa kanto ng kanilang bahay. Nasaktan ito at nagtamo ng gasgas sa braso. Nuon din ay nakadampot ito ng matulis na bagay at ng akmang sasaksakin niya si Dave ay mabilis namang nakaharang si Lizelle at ito ang nasaksak. Umakyat ang dugo sa ulo ni Dave at labis na galit ay tila galit na torong sinuwag si Eric na nagsanhi ng matinding pagkabagok ng ulo nito. Pagkuwa'y agad na isinugod ang kapatid sa ospital habang hinuhuli naman ng pulisya si Eric. Subalit wala na sa tino ng pag-iisip si Eric kung kaya't sa Mental Hospital na ito ipinasok ng mga pulis.
Lumipas ang isang linggo, maayos na ang kalagayan ni Lizelle. Nalaman nito ang nagyari kay Eric kung kaya't ano man ang nangyari ay kanya itong dinalaw. Nuo'y isinabi niya dito ang mga salitang...."Kung alam mo lang kung gaano din kita minahal nuon. Alam ko rin na mahal na mahal mo ako subalit hindi hindi tayo nagkakaunawaan. Kapwa tayo nagkakasakitan. Marahil ay mabuti na ang nangyari at nalaman natin na hindi tayo ang para sa isa't-isa. Subalit gayunpaman, mananatili ka sa aking ala-ala.", at pagkatapos ay dahan dahan itong tumayo, at lumayo. Nuo'y waring nagbalik ang diwa Eric at napasiyaw ng malakas sa pagsisisi.
" SUGO "
Bata pa lang si Ariel ay marunong ng maghanapbuhay. Namumulot siya ng Mga bote, bakal at iba pang mga naipagbibili. Si Ariel ay tahimik na anak at di mareklamo.Hindi siya nag-aaral subalit marunong magsulat at magbasa sa pagtuturo ng kangyang mga magulang.
Sa kanilang lugar, parati siyang kinakawawa at tinutukso ng kanyang mga kababata. Dinururaan siya ng mga ito at sinasabuyan ng maruming tubig kanal sa tuwing mapapadaan sa kanila. Tanging ang anak na lamang ng Mayor na si Jasmine ang mabait sa kanya at nagbibigay ng mga pinaglumaang bot at d'yaryo.
Pagsapit nito sa edad na sampu, madalas siyang mamalayan ng kanyang mga magulang na lumalakad ng nakapikit at dumadapa sa lupa ng nakadipa. Umiiyak din ito sa tuwing may nakikitang patay sa kanilang lugar gayunnarin sa mga sakunang nagaganap. Lagi niyang isinabi sa kanyang mga magulang na ang mga nagaganap ay bunga ng kasalanan ng tao. Isinasabi niyang lahat sa mga ito ang kanyang nakikita at nalalaman ukol sa mga nagaganap at magaganap pa lamang. Naniniwala naman sa kanya ang kanyang mga magulang kung kaya't ipinagbibigay alam din ng mga ito ang kanyang mga isinasabi sa kanilang Mayor. Gumawa rin si Mang Pablo ng karatula sa tabi ng kanilang bahay at duon isinusulat ang mga isinasabi ni Ariel. Marami ang nakakakita rito at nakakabasa subalit di binibigyan ng pansin. Nagtatawanan lamang sila at iniisip na lahi sila ng baliw. Napatingin si Ariel sa isang kababata niyang naruruon at kanya itong nilapitan. Isinabi niya ritong mag-ingat dahil malapit sa kapahamakan. Itinulak lamang siya nito at tinawanan. Sinabihan din niya ang isa nilang masitsit na kapitbay subalit sinigawan lang siya nito at ipinagtabuyan.
Di nagtagal, nalunod ang bata sa ilog habang naliligo. Ina ake naman sa puso ang kapitbahay habang naglalaba. Sa nangyari si Ariel ang sinisi ng lahat at tinawag pang salot.
Isang gabi ay pinagtangkaang sunugin ang kanilang tinitirhan subalit umulan ng malakas at bumaha. Kinabukasan ay isinabi ni Ariel na humanda ang lahat at may magaganap na malakas na pagyanig ng lupa. Walang naniwala sa kanya kundi ang magulang at si Jasmine maging ng kanyang Ama na Mayor.
Paglipas ng tatlong araw ay lumindol ng napakalakas kasabay ng matinding pagputok ng bulkan at pagkapinsala ng marami. Subalit imbes na magdasal ang lahat ay tumungo sa bahay nila Ariel at sila'y pinagbababato. Pinipigilan ng mag-asawa si Ariel upang huwag lumabas subalit ito ay nagsabi..."Ang takot at kaba ay dulot ng kasamaan. Hayaan nin'yo ako at ako'y di pababayaan."
Lumabas si Ariel at lumakad ng dahan-dahan. Nakadipa ito at nakatingala sa ulap. Pagkuway, huminto at tumingin sa mga tao. Lumuluha siya ng may kasamang dugo. Ng siya ay pumikit, napadapa ang lahat sa lakas ng kidlat na tumama sa isang punong kahoy. Unti-unting dumilim ang paligid at naglagos mula sa ulap ang liwanag na tumuro sa kanya. "Ito si Ariel. Siya ay aking isinugo upang sa inyo ay makapagbigay alam sa mga magaganap. Paniwalaan in'yo siya at kayo'y maliligtas."
Dahan-dahang nagsitayo ang mga tao at lumapit kay Ariel. Lumuhod ang mga ito sa kanya at humingi ng tawad. Lumuluha si Ariel na nagsabi..."Hindi ako Diyos para in'yong sambahin. Paniwalaan ninyo ako dahil iyon ang sa aki'y pinagpala." At duo'y tumalikod ito pabalik sa kanilang bahay. Tinulungan nitong makatayo ang namamangha pa ring Mayor at anak na si Jasmine. Pagkuway, inakay ang kanyang mga magulang papasok sa kanilang bahay.
Mula nuon ay pinaniwalaan na ng mga tao ang lahat ng kanyang mga isinasabi at humanda sa mga mangyayari. Subalit di nagtagal ay nanghina ito at namatay dahil sa kakulangan ng bitamina sa katawan. Nagkagayunman ay kanyang sinabi..."Magbabalik ako at ipagpapatuloy ang aking sinimulan."
"DA PROPES'YONALS"
Pagkatapos ng graduation ng anim na magkakaibigan ay agad na naghanap ng trabaho at masuwerte namang natanggap sa isang 5-Star Hotel. Si Zaldy bilang Operator, si Ricky bilang Bellman, si Marlon bilang Waiter, si Jenny bilang Front Office Receptionist, si Rachelle bilang Restaurant GRO at si Gemma naman ay bilang Waitress. Halos lahat ng guests ay natutuwa sa kanilang serbisyo maliban sa agresibo at maselang Businessman na si Mr. Foste.
Isang araw ay muli itong tumawag sa Hotel para magpa-reserve at si Zaldy ang nakasagot. Hindi nito sinasadyang mai-hold ang line at ng balikan niya ang linya ay galit na si Mr. Foste at nagsabing..."Are you a professional?!". Napahiya si Zaldy kung kaya't hindi na lamang ito kumibo.
Isang araw din ay nag-usap-usap ang anim na magkakaibigan at nagplanong gumanti dito, kung kaya't ng tumawag itong muli bago pa lamang mag-check-in at hindi alam ang tamang spelling ng pangalan ng kanyang kaibigan ay sinagot siya ni Zaldy ng..." Ang tamang spelling ng pangalan ay bla-bla-bla (abakadang pambata)... Sa susunod alamin mo ang spelling ng pangalan bago ka tumawag, ha?!. Sige ikukunekta na kita."Napahiya si Mr. Foste at siya pa ang nag-sorry.
Ng araw ng pag-che-check-in nito, pumara ng taxi dala ang malalaking bagahe at hindi sinasadyang nasiraan sa gitna ng superhighway. Napilitan itong magtulak hanggang sa makaabot sa Hotel. Pagud na pagod ito lalo pa sa pagbibitbit ng mabibigat na bagahe. Pagpasok niya sa Lobby, natuwa siya ng makitang papalapit ang Bellmang si Ricky at akala'y tutulungan, subalit pinasunod lamang siya nito hangang sa kuwarto at isinahod pa ang kamay para manghingi ng tip at nagsabing..." Kailangan pong magbigay kayo ng tip dahil iyon na ang bagong patakaran ng Hotel." Nagtaka si Mr. Foste ngunit napilitan din itong magbigay.
Kinagabihan, may dinner appointment ito sa kaibigan kung kaya't maagang gumayak at nagtungo sa Restaurant. Pag-approach niya sa GRO na si Rachelle at magsabi ng table for two, agad naman siya nitong napansin at nagsabing..." Ah.,yes sir! (itinuro ang lamesa) Nakikita n'yo po ba ang lamesang iyon? Hindi po iyon reserve so p'wedi na kayong umupo duon, okey?". at hindi na ihinatid. Agad namang lumakad patungo sa lamesa si Mr. Foste subalit di sinasadyang madulas at mapadapa sa sahig. Mabilis na lumapit sa kanya ang Waitress na si Gemma at nagsabing..." Ahh... madulas po ba Sir?".Napahiya si Mr. Foste ngunit dali-dali ring tumayo at nag-ayos ng damit at nagtungo sa lamesa. Duo'y lumapit naman sa kanya ang Waiter na si Marlon at inilagay ang napkin sa kandungan na sinasadyang idikit ang kilikili sa mukha nito. Pagkatapos ay nag-order si Mr. Foste ng isang boteng soft drink, ngunit sinabi ni Marlon na hindi na per bote ang order kundi per pitcher kung kaya't napilitan din itong umorder.
Ilang minuto pa ay dumating na ang kaibigan ni Mr. Foste. Nag-order na sila kaagad at nag-usap habang naghihintay. Ng marinig ni Gemma na ang pinag-uusapan ng mga ito ay tunggkol sa naging concert ni Michael Jackson, agad nitong pinutol ang pag-uusap ng dalawa at nakisali sa usapan. napatingin ang ibang guests kay Mr. Foste ng marinig ang isinabi nitong... “Ah...oo nga iha pero... alam mo ba ang tsismis?."
Ng mai-serve na ang kanilang pagkain, nanghingi si Mr. Foste ng hotsause ngunit ang ibinigay sa kanya ni Marlon ay fresh chilis at ketsup. Humingi din siya ng tubig at habang nagbubuhos naman si Gemma ay nabigla ng makitang nakabukas ang zipper ng pantalon ni Mr. Foste at napasabi ng..."Oww !!!...Nice panty, sir! Iyan rin kasi ang gamit ko." at muling napahiya si Mr. Foste sa ibang guests.
Pagkalipas pa ng ilang minuto at habang patuloy parin ang mga ito sa pagkain, napansin ni Mr. Foste si Marlon malapit sa kanilang table na naglilinis ng ilong. Pagkatapos, ito'y lumapit sa kanila at nagsabing..."Ah...sir, tulunagn ko na lang po kayong mag-himay ng sugpo at mag-debone ng fish." Pagkuwa'y kinamay ang sugpo at inilagay sa plato ni Mr. Foste.
Pagkatapos kumain, hiningi na nito ang bill at proud na proud pang ipinakita ang International credit card sa kaibigan. Subalit ilang minuto lang ay bumalik si Marlon at nagsabing..."Ah...excuse me, sir. Sorry po pero declined na po ang credit card nin'yo. Naubos n'yo na daw po ang in'yong credit limit, mayruon po ba kayong cash?." Napahiyang muli si Mr. Foste sa kaibigan lalo pa at wala siyang cash at ito ang napilitang magbayad. Nanghihinayang din ito sa mga natirang pagkain kung kaya't ipinabalot niya ito. Ng sila ay paalis na ng restaurant muling napatingin sa kanya ang ibang guests dahil bitbit niya ang ipinabalot na nakalagay lamang sa manipis at transparent na plastic.
Ng araw ding iyon ay hindi pinalampas ni Mr. Foste ang lahat ng nangyari at nag-file ng complaints sa General Manager at nuon din naman ay napatalsik ang mga ito. Tuwang-tuwa si Mr. Foste ng malamang wala na ang limang magkakaibigan. Isang araw, nagtungo ito sa front office at napagtanungan si Jenny kung saan matatagpuan ang isang Shop. Mabilis siyang gumawa ng mga direksiyon at ibinigay dito. Nuon din naman ay umarkila ng sasakyan si Mr. Foste para hanapin ang Shop. Kung saan-saan na ito napadpad at kung anu-anong kapahamakan ang nadaanan subalit sa Hotel din pala ang kababagsakan. Agad siyang sinalubong ni Jenny at saka itinuro ang Shop. Galit na galit ito at nasigawan si Jenny at ng dukutin nito ang susi ng kotse para ibalik ay di sinasadyang masiko ang taong nasa likuran. Subalit huli na para mag-sorry, binatukan siya nito at napasubsob sa desk. Natawa ang mga nakakita sa kanya at sa hiya ay napilitan na itong mag-check-out. Tumawag ito sa ibang Hotel para duon mag-check-in. Ngunit ng siya ay dumating, sumalubong sa kanya ang mukha ng limang magkakaibigan na nakangiti kung kaya'y nawalan siya ng malay.